Lunes, Nobyembre 3, 2014

1986 EDSA


Urdaneta City University
San Vicente West, Urdaneta City
2428 Pangasinan


1986 EDSA People Power Revolution 

PANIMULA
         Maraming dahilan at epekto ng pagdedeklara ni Pangulong Marcos ng Batas Militar sa ating bansa. Ilan sa mga hindi mabuting epekto nito ay ang pagpigil sa kalayaan sa pagpapahayag at ang pagkawala ng kapangyarihan sa kamay ng taong bayan. Sa kabila ng mga panganib, patuloy na ipinaglaban ng mga Pilipino ang kanilang mga karapatan bilang isang demokratikong bansa.
       Sa mga nagdaang panahon ay pinatunayan ng mga Pilipino ang pagmamahal sa kanilang kalayaan at karapatan. Una itong nasaksihan sa Labanan sa Mactan, sinundan pa ng mga magkakahiwalay na pag-aalsa simula noong 1574 hanggang 1860, nakita din ito sa pagtatatag ng mga samahan tulad ng Kilusang Propaganda at Katipunan at nagpatuloy sa pakikibaka ng mga Pilipino laban sa mga mananakop na Amerikano at Hapones. Ang mga nabanggit na pagkilos ay reaksiyon ng mga Pilipino dulot ng pang-aabuso ng mga dayuhang kapangyarihan. Ito ang nagbigay sa kanila ng hinahangad na kalayaan at karapatan na pamunuan ang sariling bansa.
    Bagama’t isang malayang bansa na ang Pilipinas, isang panibagong banta sa tinatamasang kalayaan ang hinarap ng mga Pilipino. Ito ay dulot ng deklarasyon ng Batas Militar na naganap sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos. Ang mga karanasan ng mga Pilipino mula sa panahon ng Batas Militar at ang mga sumunod na pangyayari ang nagbigay daan sa isang mahalagang kaganapan sa kasaysayan ng demokrasya ng Pilipinas – ang 1986 EDSA People Power Revolution.
         Sa modyul na ito ay susuriin mo kung paano napanumbalik ang diwa ng demokrasya sa Pilipinas na panandaliang nawala sa ilalim ng Batas Militar sa kamay ng dektatoryal na pamamahala ni Pangulong Ferdinand Marcos. Ang mga sumusunod na paksa ang ating tatalakayin sa modyul na ito:




1.   Mga Pangyayari na Nagbigay Daan sa People Power Revolution
      DEKLARASYON NG BATAS MILITAR
      PAGBAGSAK NG EKONOMIYA
      KAWALANG TIWALA SA SANDATAHANG LAKAS
      ASASINASYON KAY SEN. NINOY AQUINO
      1986 SNAP ELECTION
2.   1986  EDSA People Power Revolution
      KAHALAGAHAN NG 1986 PEOPLE POWER REVOLUTION
3.   Panunumbalik ng Demokrasya
      PANUNUMPA NI CORAZON C. AQUINO BILANG PANGULO
      1987 SALIGANG BATAS NG PILIPINAS

MGA LAYUNIN:
 Pagkatapos ng modyul na ito ang mga estudyante ay inaasahang:
 1.  Maunawaan ang mga pangyayari na nagbigay daan sa EDSA    
      People  Power Revolution. 
2.    Matukoy ang  1986 EDSA People Power Revolution.
3.    Maipaliwanag ang mga pangyayari sa 1986 EDSA People Power Revolution.
4.    Ibigay o ilista ang mga kahalagahan o leksyon ng EDSA.
5.    Maunawaan ang mga impormasyon tungkol sa inaugural Address ni Corazon C. Aquino.


 
ARALIN 1
Mga Pangyayaring Nagbigay Daan sa People Power Revolution



                             DEKLARASYON NG BATAS MILITAR




         Sa bisa ng Proklamasyon 1081 ay isinailalim ni Pangulong Marcos ang Pilipinas sa Batas Militar noong Setyembre 21, 1972. Nagkaroon ng mga programang pang-agrikultura at pangkalikasan at pangkultura, naging tampok na proyekto din ang iba’t ibang imprastraktura tulad ng mga tulay, kalsada at mga paaralan. 
       Subalit sa kabila ng mga nabanggit na programa ay nagkaroon ng malawakang paglabag sa karapatang pantao, pagpapahirap (torture) sa mga bilanggo, paghuli at pagkulong sa mga kalaban ni Marcos sa politika (political detainees), pagbabawal sa pagsasagawa ng rally at paglilimita sa kalayaan ng mga mamamayan sa pagpapahayag.



                                   PAGBAGSAK NG EKONOMIYA


           Nagpatupad ng iba’t ibang patakarang pang-ekonomiya si Pangulong Marcos sa mga unang taon ng Batas Militar. Subalit makalipas ang ilang taon ay napasakamay ni Marcos at ng kaniyang mga kamag-anak at kaibigan ang mga mahahalagang negosyo sa Pilipinas. Umiral ang tinatawag na cronyism. Dahil dito, nakontrol ng iilan ang ekonomiya ng bansa. Nagsimulang lumaki ang pagitan ng mga mayayaman at mahihirap. Unti-unti ay bumagsak ang matatag na ekonomiya ng bansa.
          Nakadagdag pa sa suliraning pang-ekonomiya ng Pilipinas ang pag-utang ng pamahalaang Marcos sa World Bank na umabot sa mahigit sa 17. 2 bilyong dolyar noong 1980. Lalong nawala ang tiwala ng taong bayan sa pamahalaan dahil hindi nito natutugunan ang suliranin sa kahirapan at kawalan ng disenteng pamumuhay.




                        KAWALANG TIWALA SA SANDATAHANG LAKAS




           Itinatag ng mga junior military officers ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Reform the Armed Forces Movement o RAM. Layunin nito na ayusin ang sistema ng pamamahala at pagkakaloob ng mga posisyon sa hanay ng mga militar. Pangunahing tinutulan ng RAM ang padrino system (pagkakaloob ng posisyon at pagbibigy ng pabor dahil sa mga kaibigan at kakilala na may mataas na posisyon) sa AFP. Layunin din nito na matigil ang korapsiyon, mga ilegal at kriminal na gawain na kinasasangkutan ng mga opisyales ng Sandatahang Lakas.




                          ASASINASYON KAY SEN. NINOY AQUINO






             Matapos ang tatlong taong pananatili sa Amerika, bumalik si Senador Ninoy Aquino sa Pilipinas. Naganap ang asasinasyon kay Sen. Aquino noong Agosto 23, 1983 sa tarmac ng Manila International Airport habang siya ay patungo sa pribadong sasakyan na inilaan sana para sa kaniyang kaligtasan.   Bukod sa kaniya ay pinaslang din si Rolando Galman na sinasabing pumatay kay Sen. Ninoy Aquino.
        Ang asasinasyon kay Sen. Ninoy Aquino ay lalo pang nagpalalim sa nararamdamang galit ng taong bayan sa pamahalaan dahil pinaghinalaan nila na ang rehimeng Marcos ang nasa likod ng nasabing krimen.




                                       1986 SNAP ELECTIONS




           


             Napilitan si Pangulong Marcos na magpatawag ng snap election noong Pebrero 7, 1986 upang patunayan na siya pa din ang nais ng taong bayan na mamuno. Pinili ng mga nagkakaisang Pilipino si Corazon Aquino upang tumakbo bilang pangulo laban kay Ferdinand Marcos.
        Nagkaroon ng malawakang dayaan sa eleksiyon. Patunay dito ang pag-alis (walkout) ng mga computer technicians dahil pinipilit sila na baguhin ang bilang ng boto pabor para kay Marcos. Matapos ang pagbibilang, dalawa ang naging pangulo ng Pilipinas. Idineklara ng Batasang Pambansa na si Marcos ang nanalo. Samantala ayon naman sa National Movement for Free Elections (NAMFREL), si Cory ang nagwagi. Sa halip na matakot, sinabi ni Corazon Aquino na magiikot siya sa iba-t ibang bahagi ng bansa upang ipanawagan na i-boycott ang mga produkto ng mga kompanya na kilalang crony o kaalyado ni Pangulong Marcos.
        Ang mga nabanggit na pangyayari ay lalong nagpatingkad sa paghahangad ng mga Pilipino sa pagbabago. Batid nila na makakamit lamang ito kung mababago ang mga namumuno sa pamahalaan. Nagkaroon ng iisang damdamin ang mga Pilipino na mapaalis sa kapangyarihan si Marcos at ang kaniyang mga kaalyado. Tila naghihintay lamang ang bawat isa ng pagkakataon upang maisagawa ito.
         Isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap noong Pebrero 22, 1986. Ipinahayag nina Kalihim Juan Ponce Enrile at Vice Chief of Staff Fidel Ramos ang kanilang pagtalikod sa rehimeng Marcos at ang panawagan na pakinggan ang hinaing ng mga mamamayan na bumaba siya sa puwesto. Ito ang naging hudyat ng makasaysayang 1986 EDSA People Power Revolution.



Pamprosesong Tanong:
Anu-ano ang mga pangyayarig nagbigay daan sa EDSA at ipaliwanag ang bawat isa.








Pagsusulit 1
    Ating subukan ang iyong pang-unawa  tungkol sa Mga pangyayari na Nagbigay Daan sa 1986 EDSA People Power Revolution. Subukang sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.
1.    Ang deklarasyon ng Batas Militar ay Tinatawag ding?
a.    Proklamasyon 8110                      c. Proklamasyon 1082
b.    Proklamasyon 8210                      d. Proklamasyon 1081

2.    Kalian deniklara ni Pangulong Marcos ang Pilipinas sa Batas Militar?
a.    Setyembre 21, 1972                     c. Setyembre 21, 1973
b.    Setyembre 22, 1972                     d. Setyembre 22, 1973

3.    Layunin nito na ayusin ang sistema ng pamamahala at pagkakaloob ng mga posisyon sa kamay ng mga Militar.
a.    Armed Forces of the Philippines
b.    Reform the Armed Forces Movement
c.    New People’s Army
d.    Air Forces of the Philippines

4.    Bangkong inutangan ni Pangulong Marcos na umabot sa halagang 17.2 bilyong dolyar noong 1980 na nakadagdag sa suliraning pang-ekonomiya ng Pilipinas.
a.   Union Bank                                    c. World Bank
b.   International Bank                         d. Banko Sentral ng PIlipinas

5.    Saan naganap ang Asasinasyon ni Sen. Ninoy Aquino noong Agosto 23, 1983.
a.    Manila International Airport
b.    Diosdado Macapagal International Airport
c.    Clark International Airport
d.    Zamboanga International Airport





Aralin 2
1986 EDSA People Power Revolution







Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan, na tinatawag ding Rebolusyon sa EDSA ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang daan sa Kalakhang Maynila.



                Pebrero 22, 1986
Nagsagawa ng Press Conference sina Defense Minister Juan Ponce Enrile at Lt. Gen. Fidel Ramos upang ipahayag ang kanilang pagtalikod sa rehimeng Marcos
Nanawagan si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa taong bayan na magtungo sa Camp Aguinaldo at Camp Crame upang suportahan at protektahan sina Ramos at Enrile at maiwasan ang pagdanak ng dugo kung sakaling aarestuhin ng mga tauhan ni Marcos ang dalawa. Isinagawa niya ang panawagan sa pamamagitan ng Radio Veritas.
Nagsimulang mapuno ng tao ang kahabaan ng EDSA.

                                                     Pebrero 23, 1986
Ipinalabas sa telebisyon ang pahayag ni Marcos na may nagaganap nang negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng kampo nina Enrile at Ramos.
Sinira ng mga tauhan ni Marcos ang transmission ng Radio Veritas at inangkin ang istasyon.
Nagplano sina Gen. Ver at Ramos na lusubin ang Camp Crame.
Lalo pang dumami ang mga tao na nagtungo sa EDSA upang ipahayag ang kanilang pagnanais na mapaalis si Marcos.

                                                      Pebrero 24, 1986

Inanunsiyo sa radio na umalis na ng bansa si Pangulong Marcos. Subalit ito ay isang panlilinlang lamang sa taong bayan.
Sinugod at inangkin ng taong bayan ang Channel 4, ang istasyon na pagmamay-ari ng gobyerno.
Idineklara ni Marcos ang curfew mula ika-6 ng gabi hanggang ika-6 ng umaga. Walang sumunod sa kaniyang kautusan.
Nanindigan ang mga mamamayan sa EDSA sa kabila ng balita na paparating ang mga tangke at armadong helicopter upang sila ay puwersahang paalisin.

                                                      Pebrero 25,1986
 Nanumpa si Corazon Aquino bilang Pangulo ng Pilipinas sa pamumuno ni Supreme court Associate Justice Claudio Teehanke. Isinagawa ito sa harap ng kaniyang mga tagasuporta sa Club Filipino.
Nanumpa rin bilang Pangulo ng Pilipinas si Ferdinand Marcos sa harap ng kaniyang mga loyalista sa Malakanyang.
Nilisan ni Pangulong Marcos ang Malakanyang kasama ang kaniyang pamilya at ilang tauhan. Nagtungo sila sa Clark Airbase sa Pampanga at mula dito ay nagtungo sa Hawaii, sa United States.
Nagdiwang ang mga Pilipino nang mabalitaan nila ang paglisan ni Marcos. nagtapos ang mahigit sa 20 taong pamumuno ni Marcos sa pamamagitan ng mapayapang pagkilos at puwersa ng nagkakaisang taong bayan.




Pamprosesong Tanong:
   1.    Ano ang EDSA?
  2.    Masasabi mo ba na ang 1986 EDSA People Power Revolution ay pagkilos para makamit ang kalayaan? Bakit?
  3.    Nakamit ba ang pagkakaisa ng iba’t ibang sector ng lipunan dahil sa nasabing pangyayari? Patunayan.
  4.    Sa iyong palagay, ano ang nagging dahilan sa likod ng tagumpay ng 1986 EDSA People Power Revolution? Ipaliwanag.





Awit-tanong:
        Pakinggang mabuti ang kantang Handog ng Pilipino sa Mundo, suriin ang nilalaman nito at pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Handog ng Pilipino sa Mundo





‘Di na ‘ko papayag mawala ka muli.
‘Di na ‘ko papayag na muli mabawi,
Ating kalayaan kay tagal natin mithi.
‘Di na papayagang mabawi muli.
Magkakapit-bisig libo-libong tao.
Kay sarap palang maging Pilipino.
Sama-sama iisa ang adhikain.
Kelan man ‘di na paalipin.
Ref:
Handog ng Pilipino sa mundo,
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta’t magkaisa tayong lahat.
Masdan ang nagaganap sa aming bayan.
Nagkasama ng mahirap at mayaman.
Kapit-bisig madre, pari, at sundalo.
Naging Langit itong bahagi ng mundo.
Huwag muling payagang umiral ang dilim.
Tinig ng bawat tao’y bigyan ng pansin.
Magkakapatid lahat sa Panginoon.
Ito’y lagi nating tatandaan.
(repeat refrain two times)
Coda:
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan.
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta’t magkaisa tayong lahat!





Gawain 1:
1.    Anong pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas ang tinutukoy sa awitin? Ipaliwanag.
2.    Paano ipinaglaban ng mga Pilipino ang kanilang karapatan at kalayaan saa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos?
3.    Bilang Pilipino, paano mo mapapahalagahan ang Demokrasya o kalayaang nakamit nati mula sa rehimeng Marcos.




Gawain 2: Mind Map
         Ang sumusunod ay mga konsepto at salita na may kaugnayan sa paksang tinalakay. Ayusin ang mga ito upang makabuo ng flowchart na nagpapakita ng kaugnayan ng mga konsepto sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap na paliwanag ukol sa nabuong flowchart.


1986 People Power Revolution        Kalayaan           Sama-samang Pagkilos


Demokrasya                     Karapatang Pantao                    Mamamayan




Gawain 3: Pagsulat ng Releksyon
          Sumulat ng iyong repleksyon ukol sa kahalagahan, kabutihan, at kaugnayan ng 1986 EDSA People Power Revolution sa iyo bilang isang mag-aaral at bilang isang Pilipino.

5 Lessons to Remember from the EDSA People Power Revolution
Here are some learnings every Filipino should take from the People Power Revolution. By Gia Recio
As we celebrate the 25th anniversary of the People Power Revolution, a bloodless revolution held on EDSA in Metro Manila with corresponding movements elsewhere in the country. Thousands of Filipinos, armed only with courage, faith, and resolve, congregated in the streets to protest the untenable environment created by Martial Law and demand that President Ferdinand Marcos step down. This peaceful revolution lasted three days. On February 25, 1986, our nation finally saw the end of 14 years under a cruel dictatorship: the president and his family fled to Hawaii, and Corazon Aquino, Ninoy’s widow, became the country’s new president. Twenty-five years later—and for decades more to come—our nation still recognizes the significance of that particular period in our history. Today, as we celebrate the anniversary of the EDSA Revolution, let us revisit five principal things that we may glean from this historical event:
1. THERE IS STRENGTH IN UNITY.
The multitudes who gathered in EDSA 25 years ago were composed of ordinary citizens united by the desire to stop the oppression suffered at the hands of President Marcos. People from all walks of life prayed together, sought comfort and strength from each other, and bravely faced the militia Marcos dispatched to disperse the crowds. What we achieved that day was no small feat. We were able to unite as a nation and use our collective strength to topple a seemingly impregnable dictatorship.
2. THERE IS POWER IN DEMOCRACY.
The People Power Revolution, as this came to be known, was also proof that sovereignty indeed resides in the Filipino people. … But democracy comes with responsibility, and since the power of democracy rests in the hands of the people, it’s important that people understand exactly what they’re responsible for. Maria Ressa has this to say about the People Power Revolution, "People power should have never become a political tool; it was a once-in-a-lifetime act that should have been followed by the hard work of building democratic institutions. That never happened. That is the work that, twenty years later, desperately needs to be done."

3. YOU HAVE TO FIGHT FOR YOUR PRINCIPLES.
The events in EDSA taught us the importance of fighting for what you believe in, especially when it involves what is right and what benefits the majority. Integrity isn’t just about knowing what’s right; it’s also about doing what’s right. We should remember that this applies to the little things, the everyday things, as well as the big ones.
4. MUCH CAN BE ACHIEVED BY FAITH.
Apart from having faith in God--as shown by the people during the prayer rallies and the processions that punctuated the three-day revolution--we must also remember to have faith in ourselves. In the midst of the countless political issues that divide us at present, we must believe that we can still rise up as one nation . . . And while the Catholic Church played a significant part in the People Power Revolution, we must remember that the Church and the State are separate.

5. A REVOLUTION DOESN’T HAVE TO BE CHARACTERIZED BY VIOLENCE.
In spite of the threatening presence of the military forces in EDSA, not a single shot was fired against the civilians. Throughout the three days of the revolution, not once did the people take up arms or cause widespread panic to achieve their goal. Solidarity, kindness, and a sincere adherence to a common endeavor were our people’s weapons of choice, and despite the absence of force, they succeeded in achieving the liberty that had long been due them.  



Gawain 4:

          Ilista ang mga aral na iyong natutunan sa 1986 EDSA People Power Revolution.






Pagsusulit 2
Ating subukan ang iyong pang-unawa  tungkol sa 1986 EDSA People Power Revolution. Subukang sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.
1.   Ito ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon.
a.  1989 EDSA People Power Revolution   
b. 1988 EDSA People Power Revolution
c.   1987 EDSA People Power Revolution                                              
d. 1986 EDSA People Power Revolution

2.    Kailan naganap ang makasaysayang People Power Revolution?
a.    Pebrero 25, 1986                           c. Pebrero 23, 1986
b.    Pebrero 24, 1986                           d. Pebrero 22, 1986

3.    Siya ang pinili ng mga nagkakaisang Pilipino upang tumakbo bilang pangulo laban kay Pangulong Marcos sa 1986 Snap Election.
a.    Gloria Macapagal Arroyo                 c. Juan Ponce Enrile
b.    Corazon C. Aquino                          d. Fidel Ramos

4.    Sinu-sino ang nagsagawa ng Press Conference noong Pebrero 22, 1986 upang ipahayag ang kanilang pagtalikod sa rehimeng Marcos.
a.    Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos
b.    Juan Ponce Enrile at Corazon C. Aquino
c.    Fidel Ramos at Corazon C. Aquino
d.    Fidel Ramos at mga Madre

5.    Ano ang Titulo ng awiting sinulat ng Apo Hiking Society
a.    Laban Pilipino                                  c. Magkaisa
b.    Ako’y Isang Pinoy                            d. Handog ng Pilipino sa Mundo




Aralin 3
Panunumbalik ng Demokrasya

(Video of inauguration of Corazon Aquino)
            Bagama’t hindi kinilala ng Batasang Pambansa ang kaniyang pagkakapanalo nanumpa si Corazon Aquino bilang kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas. Isinagawa ang kaniyang panunumpa sa Club Filipino na pinamunuan ni Supreme Court Associate Justice Claudio Teehanke.

Sanggunian 2 Bahagi ng Inaugural Address ni Pangulong Corazon Aquino
Inaugural Address of
CORAZON C. AQUINO
Club Filipino, San Juan, Metro Manila
                                       February 25, 1986
My brothers and sisters:
I am grateful for the authority you have given me today. And I promise to offer all that I can do to serve you.
It is fitting and proper that, as the rights and liberties of our people were taken away at midnight twenty years ago, the people should firmly recover those lost rights and liberties in the full light of the day.
Ninoy believed that only the united strength of a people can overturn a tyranny so evil and so well organized. It took the brutal murder of Ninoy to bring about the unity, the strength, and the phenomenon of People Power. That power has shattered the dictatorship, protected the honorable military who have chosen freedom, and today has established a government dedicated to the protection and meaningful fulfillment of the people’s rights and liberties.
We were exiles in our land – we, Filipinos, who are at home only in freedom – when Marcos destroyed the Republic fourteen years ago. Through courage and unity, through the power of the people, we are home again.
And now, I would like to appeal to everyone to work for national reconciliation, which is what Ninoy came back home for. I would like to repeat that I am very magnanimous in victory. So I call on all those countrymen of ours who are not yet with us to join us at the earliest possible time so that together we can rebuild our beautiful country.
As I always did during the campaign I would like to end with an appeal for you to continue praying. Let us pray for God’s help especially during these days.

 

Gawain 1: Pagtukoy sa Tiyak na Impormasyon


Ipaliwanag ang kahulugan ng huling bahagi ng kaniyang talumpati “… I call on all those countrymen of ours who are not yet with us to join us at the earliest possible time so that together we can rebuild our beautiful country.” 


Pamprosesong Tanong:
1. Sino ang pangunahing dahilan ng tagumpay ng 1986 EDSA People Power Revolution ayon sa talumpati ni Pangulong Corazon Aquino?
2. Sa mga nabanggit na suliranin o hamon, alin para sa iyo ang pinakamahirap na masolusyunan? Bakit?
3. Paano napanumbalik ang diwa ng demokrasya ayon kay Pangulong Corazon Aquino?
4. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng pagkakahalal kay Pangulong Corazon Aquino bilang kapalit ni Pangulong Ferdinand Marcos?



Saligang Batas 1987
           Ito ang kasalukuyang tinutupad na Saligang Batas na nalikha nang dating pangulo ng Pilipinas na si Corazon Aquino bilang pangulo noong 1986. Binuo niya ang isang komisyon upang ibalangkas ang bagong saligang batas para sa biyaya ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang puspos ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay at kapayapaan, ay naglalagda at naghahayag ng Konstitusyong ito. Pinagtibay ito noong Pebrero 2, 1987.
           

                          Nagpalabas si Pangulong Corazon Aquino ng Proklamasyon Bilang 9 na siyang bumuo sa tinawag na Constitutional Commission na naatasang bumuo ng Saligang Batas ng Pilipinas upang palitan ang 1973 Saligang Batas. Ito ay pinamunuan ni Cecilia Muñoz-Palma. Natapos ang draft ng saligang batas noong Oktubre 12, 1986. Nagkaroon ng plebisito para saratipikasyon ng Saligang Batas noong Pebrero 2, 1987 kung saan 17 milyon ang nagpahayag ng pagsang-ayon at 5 milyon lamang ang hindi. Noong Pebrero 11, 1987, iprinoklama ang ratipikasyon ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas.




Pagsusulit 3
Ating subukan ang iyong pang-unawa  tungkol sa Panunumbalik ng Demokrasya. Subukang sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1.    Kailan sinagawa o nangyari ang inaugural o panunumpa bni Corazon C. Aquino?

a. Pebrero 24, 1986                                c. Pebrero 26, 1986

b. Pebrero 25, 1986                                d. Pebrero 27, 1986


2.    Saan isinagawa o nangyari ang Inaugural Address ni Corazon C. Aquino?

a.    Club Filipino, San Juan, Metro Manila

b.    Club Filipino, Makati City, Manila

c.    Club Filipino, Pasig City, Manila

d.    Club Filipino, Taguig City, Manila


3.    Meaning of 1987 Saligang Batas ng Pilipinas

a.    1986 Freedom Constitution

b.    1988 Saligang Batas ng Pilipinas

c.    1989 Freedom Constitution

d.    1987 Saligang Batas ng Pilipinas


4.    Siya ang kauna-unahang babaeng Pangulo ng Pilipinas.

a.    Gloria Macapagal Arroyo

b.    Corazon Aquino

c.    Kris Aquino

d.    Gloria Macapagal Aquino


5.     Ayon kay Pangulong Aquino, sino o ano ang nagluklok sa kaniya sa pagiging Pangulo ng bansa?

a.    Mga mamamayang Amerikano

b.    Mga mamamayang Pilipino

c.    Mga mamamayang Tsino

d.    Mga mamamayang Dayuhan

 Buod ng Modyul

1.Mga Pangyayari na Nagbigay Daan sa People Power Revolution
·         DEKLARASYON NG BATAS MILITAR
Sa bisa ng Proklamasyon 1081 ay isinailalim ni Pangulong Marcos ang Pilipinas sa Batas Militar noong Setyembre 21, 1972. Nagkaroon ng mga programang pang-agrikultura at pangkalikasan at pangkultura, naging tampok na proyekto din ang iba’t ibang imprastraktura tulad ng mga tulay, kalsada at mga paaralan.
Subalit sa kabila ng mga nabanggit na programa ay nagkaroon ng malawakang paglabag sa karapatang pantao, pagpapahirap (torture) sa mga bilanggo, paghuli at pagkulong sa mga kalaban ni Marcos sa politika (political detainees), pagbabawal sa pagsasagawa ng rally at paglilimita sa kalayaan ng mga mamamayan sa pagpapahayag.



·         PAGBAGSAK NG EKONOMIYA
Nagpatupad ng iba’t ibang patakarang pang-ekonomiya si Pangulong Marcos sa mga unang taon ng Batas Militar. Subalit makalipas ang ilang taon ay napasakamay ni Marcos at ng kaniyang mga kamag-anak at kaibigan ang mga mahahalagang negosyo sa Pilipinas. Umiral ang tinatawag na cronyism. Dahil dito, nakontrol ng iilan ang ekonomiya ng bansa.Nagsimulang lumaki ang pagitan ng mga mayayaman at mahihirap. Unti-unti ay bumagsak ang matatag na ekonomiya ng bansa.
Nakadagdag pa sa suliraning pang-ekonomiya ng Pilipinas ang pag-utang ng pamahalaang Marcos sa World Bank na umabot sa mahigit sa 17. 2 bilyong dolyar noong 1980. Lalong nawala ang tiwala ng taong bayan sa pamahalaan dahil hindi nito natutugunan ang suliranin sa kahirapan at kawalan ng disenteng pamumuhay.

·         KAWALANG TIWALA SA SANDATAHANG LAKAS
Itinatag ng mga junior military officers ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines(AFP) ang Reform the Armed Forces Movement o RAM. Layunin nito na ayusin ang sistema ng pamamahala at pagkakaloob ng mga posisyon sa hanay ng mga militar. Pangunahing tinutulan ng RAM ang padrino system (pagkakaloob ng posisyon at pagbibigy ng pabor dahil sa mga kaibigan at kakilala na may mataas na posisyon) sa AFP. Layunin din nito na matigil ang korapsiyon, mga ilegal at kriminal na gawain na kinasasangkutan ng mga opisyales ng Sandatahang Lakas.

·         ASASINASYON KAY SEN. NINOY AQUINO
Matapos ang tatlong taong pananatili sa Amerika, bumalik si Senador Ninoy Aquino sa Pilipinas. Naganap ang asasinasyon kay Sen. Aquino noong Agosto 23, 1983 sa tarmac ng Manila International Airport habang siya ay patungo sa pribadong sasakyan na inilaan sana para sa kaniyang kaligtasan. Bukod sa kaniya ay pinaslang din si Rolando Gaman na sinasabing pumatay kay Sen. Ninoy Aquino.
Ang asasinasyon kay Sen. Ninoy Aquino ay lalo pang nagpalalim sa nararamdamang galit ng taong bayan sa pamahalaan dahil pinaghinalaan nila na ang rehimeng Marcos ang nasa likod ng nasabing krimen.

·         1986 SNAP ELECTIONS
Napilitan si Pangulong Marcos na magpatawag ng snap election noong Pebrero 7, 1986 upang patunayan na siya pa din ang nais ng taong bayan na mamuno. Pinili ng mga nagkakaisang Pilipino si Corazon Aquino upang tumakbo bilang pangulo laban kay Ferdinand Marcos.
Nagkaroon ng malawakang dayaan sa eleksiyon. Patunay dito ang pag-alis (walkout) ng mga computer technicians dahil pinipilit sila na baguhin ang bilang ng boto pabor para kay Marcos. Matapos ang pagbibilang, dalawa ang naging pangulo ng Pilipinas. Idineklara ng Batasang Pambansa na si Marcos ang nanalo. Samantala ayon naman sa National Movement for Free Elections (NAMFREL), si Cory ang nagwagi. Sa halip na matakot, sinabi ni Corazon Aquino na magiikot siya sa iba-t ibang bahagi ng bansa upang ipanawagan na i-boycott ang mga produkto ng mga kompanya na kilalang crony o kaalyado ni Pangulong Marcos.


2. 1986 EDSA People Power Revolution

*      Mga pangyayaring naganap sa 1986 EDSA People Power Revolution

Pebrero 22, 1986

o   Nagsagawa ng Press Conference sina Defense Minister Juan Ponce Enrile at Lt. Gen. Fidel Ramos upang ipahayag ang kanilang pagtalikod sa rehimeng Marcos.
o   Nanawagan si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa taong bayan na magtungo sa Camp Aguinaldo at Camp Crame upang suportahan at protektahan sina Ramos at Enrile at maiwasan ang pagdanak ng dugo kung sakaling aarestuhin ng mga tauhan ni Marcos ang dalawa.. Isinagawa niya ang panawagan sa pamamagitan ng Radio Veritas .
o   Nagsimulang mapuno ng tao ang kahabaan ng EDSA.

Pebrero 23, 1986

o   Ipinalabas sa telebisyon ang pahayag ni Marcos na may nagaganap nang negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng grupo nina Enrile at Ramos.
o   Sinira ng mga tauhan ni Marcos ang transmission ng Radio Veritas at inangkin ang istasyon.
o   Nagplano sina Gen. Ver at Ramas na lusubin ang Camp Crame.
o   Lalo pang dumami ang mga tao na nagtungo sa EDSA upang ipahayag ang kanilang pagnanais na mapaalis si Marcos.

Pebrero 24, 1986

o   Inanunsiyo sa radio na umalis na ng bansa si Pangulong Marcos. Subalit ito ay isang panlilinlang lamang sa taong bayan.
o   Sinugod at inangkin ng taong bayan ang Channel 4 , ang istasyon na pagmamay-ari ng gobyerno.
o   Idineklara ni Marcos ang curfew mula ika-6 ng gabi hanggang ika-6 ng umaga. Walang sumunod sa kaniyang kautusan.
o   Nanindigan ang mga mamamayan sa EDSA sa kabila ng balita na paparating ang mga tangke at armadong helicopter upang sila ay puwersahang paalisin.

Pebrero 25, 1986

o   Nanumpa si Corazon Aquino bilang pangulo ng Pilipinas sa pamumuno ni Supreme Court Associate Justice Claudio Teehanke. Isinagawa ito sa harap ng kaniyang mga tagasuporta sa Club Filipino.
o   Nanumpa rin bilang pangulo ng Pilipinas si Ferdinand Marcos sa harap ng kaniyang mga loyalists sa Malacañang
o   Nilisan ni Pangulong Marcos ang Malacañang kasama ang kaniyang pamilya at ilang tauhan. Nagtuno sila sa Clark Air Base sa Pampanga at mula dito ay nagtungo sa Hawaii, sa United States.
o   Nagdiwang ang mga Pilipino nang mabalitaan nila ang paglisan ni Marcos. Nagtapos ang mahigit sa 20 taong pamumuno ni Marcos sa pamamagitan ng mapayapang pagkilos at puwersa ng nagkakaisang taong bayan

*      5 Lessons to Remember from the EDSA People Power Revolution
1. THERE IS STRENGTH IN UNITY.
The multitudes who gathered in EDSA 25 years ago were composed of ordinary citizens united by the desire to stop the oppression suffered at the hands of President Marcos. People from all walks of life prayed together, sought comfort and strength from each other, and bravely faced the militia Marcos dispatched to disperse the crowds. What we achieved that day was no small feat. We were able to unite as a nation and use our collective strength to topple a seemingly impregnable dictatorship.

2. THERE IS POWER IN DEMOCRACY.
The People Power Revolution, as this came to be known, was also proof that sovereignty indeed resides in the Filipino people. … But democracy comes with responsibility, and since the power of democracy rests in the hands of the people, it’s important that people understand exactly what they’re responsible for. Maria Ressa has this to say about the People Power Revolution, "People power should have never become a political tool; it was a once-in-a-lifetime act that should have been followed by the hard work of building democratic institutions. That never happened. That is the work that, twenty years later, desperately needs to be done."

3. YOU HAVE TO FIGHT FOR YOUR PRINCIPLES.
The events in EDSA taught us the importance of fighting for what you believe in, especially when it involves what is right and what benefits the majority. Integrity isn’t just about knowing what’s right; it’s also about doing what’s right. We should remember that this applies to the little things, the everyday things, as well as the big ones.

4. MUCH CAN BE ACHIEVED BY FAITH.
Apart from having faith in God--as shown by the people during the prayer rallies and the processions that punctuated the three-day revolution--we must also remember to have faith in ourselves. In the midst of the countless political issues that divide us at present, we must believe that we can still rise up as one nation . . . And while the Catholic Church played a significant part in the People Power Revolution, we must remember that the Church and the State are separate.

              5. A REVOLUTION DOESN’T HAVE TO BE CHARACTERIZED BY VIOLENCE.
In spite of the threatening presence of the military forces in EDSA, not a single shot was fired against the civilians. Throughout the three days of the revolution, not once did the people take up arms or cause widespread panic to achieve their goal. Solidarity, kindness, and a sincere adherence to a common endeavor were our people’s weapons of choice, and despite the absence of force, they succeeded in achieving the liberty that had long been due them.

3.Panunumbalik ng Demokrasya

*      Panunumpa ni Corazon Aquino bilang Pangulo

Bagama’t hindi kinilala ng Batasang Pambansa ang kaniyang pagkakapanalo, nanumpa si Corazon Aquino bilang kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas. Isinagawa ang kaniyang panunumpa sa Club Filipino na pinamunuan ni Supreme Court Associate Justice Claudio Teehanke.

*      1987 Saligang Batas ng Pilipinas
o Nagpalabas si Pangulong Corazon Aquino ng Proklamasyon Bilang 9 na siyang bumuo sa tinawag na Constitutional Commission na naatasang bumuo ng Saligang Batas ng Pilipinas upang palitan ang 1973 Saligang Batas. Ito ay pinamunuan ni Cecilia Muñoz-Palma. Natapos ang draft ng saligang batas noong Oktubre 12, 1986. Nagkaroon ng plebisito para sa ratipikasyon ng Saligang Batas noong Pebrero 2, 1987 kung saan 17 milyon ang nagpahayag ng pagsang-ayon at 5 milyon lamang ang hindi. Noong Pebrero 11, 1987, iprinoklama ang ratipikasyon ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas.






Mga sagot sa mga  Pagsusulit
Pagsusulit 1
1. d. Proklamasyon 1081
         Isinailalim ni Pangulong Marcos ang Pilipinas sa Batas Militar o Tinatawag ding Proklamasyon 108.
2. a. Setyembre 21, 1972
              Pinatupad ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972,
3. b. Reform the Armed Forces Movement 
              Itinatag ng mga Junior miltary officers ng sandatahang lakas ng Pilipinas ang Reform the Armed Forces Movement o (RAM), layunin nito na ayusin ang sistemang pamamahala at pagkakaloob ng mga posisyon sa hanay ng mga militar.
4. c.  World Bank
        Nagpatupad ng iba't- ibang patakarang pang-ekonomiya si Pangulong Marcos sa mga unang taon ng Batas Militar dahil dito nadagdagan ang suliranin ng bansa ng magkaroon ng utang ang pamahalaang Marcos sa World Bank na umabot sa mahigit 17.2 Bilyong Dolyar noong 1980.
5. a. Manila International Airport
                 Matapos ang tatlong taong pananatili sa Amerika ni, bumalik si Sen. Ninoy Aquino sa Pilipinas. Ang asasinasyon kay Sen. Ninoy Aquino noong Agosto 23, 1983 sa tarmac ng Manila International Airport.

Pagsusulit 2

1. d. 1986 EDSA People Power Revolution
               Ang 1986 EDSA People Power Revolution ay isang mapayapang demonsrasyon na nagtagal sa apat na araw sa Pilipinas, kilos protesta ng mga tao laban sa diktatoryang pamumuno ni Ferdinand Marcos. Nagdulot ito ng pagbagsak ng pamamahala ni Marcos.
2. a. Pebrero 25, 1986
                Noong Pebrero 25, 1986 si Corazon Aquino ay nanumpa bilang Pangulo ng Pilipinas sa pamumuno ni Supreme Court Justice Claudio Teehanke.
 3. b. Corazon Aquino
               Siya ang humalili sa pagiging Pangulo ng Pilipinas matapos mapatalsik sa magiging Pangulo si Marcos.
4. a. Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos 
               Nagsagawa ng Press Conference sina Defense Minister Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos upang ipahayag ang kanilang pagtalikod sa rehimeng Marcos.
5. d. Handog ng Pilipino sa Mundo
              Ito ay isang komposisyon ng Apo Hiking Society upang iparating sa mamamayang Pilipino ang pagkakaisa upang makamit ang ninanais na kalayaan.

Pagsusulit 3
1. b. Pebrero 25, 1986
             Noong Pebrero 25, 1986 nanumpa si Corazon Aquino bilang Pangulo ng    Pilipinas.
2. a. Club Filipino, San Juan, Metro Manila 
             Ginanap ang Inauguration sa Club Filipino, San Juan, Metro Manila.
3. d. 1987 Saligang Batas ng Pilipinas
            Binuo ito upang ibalangkas ang bagong salingang batas para sa biyaya ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng pananaig ng batas.
4. b. Corazon Aquino.
             Siya ang tinuturing na kauna-unahang babaeng Pangulo ng Pilipinas.
5. b. Mga mamamayang Pilipino
         Dahil sa nagkakaisang mamamayang Pilipino nagtagumpay na mapatalsik sa posisyon si Marcos at iniluklok bilang Pangulo si Corazon Aquino.